Saturday, April 11, 2009

Sam Ouk High Episode 1

Unang araw ng clase at lahat ng tao ay nag sipag hiyawan.
Ewan kung bakit, pero maingay lang tlga sila. Itong si Endo ay isang napaka kulit na babae na palaboylaboy kung saan saan at kasama niya parati si Keroro pero silang dalawa ay hindi kasali sa kwentong ito.
Sa may bandang gilid makikita mo ang hallway na napaka kintab, maliban sa mga alikabok na naiwan ng mga batang nag sipag takbuhan dahil kanina pa tumunog ang bell...

nga pala itong kwento ay gawa-gawa lamang. Pero inspired from Gemelina Batch 6 kaya ganyan. Ganun na nga yun. Basta yun na yun.

Balik tayo sa kwento ko.
Parang nalilihis na tayo eh.
Sa isang silid doon sa Daisuki Lima 3 o kung tawagin nilang DL 3, ay may kababalaghang nangyayari. ano kaya yun?!

Biju: Bay-be bay-be bay-be, bay-be, bay-be...(sabay lakad papunta kina Dan)
Taro: You have a beautiful voice Biju!!! (partida, na feel kong gumalaw ung lupa konte)

(Imagine mo nalang na biglang nag pause)
Si Biju ay isang Half Japanese-German na transferee student galing sa isang napaka layong lugar. NA kahit ako hindi ko alam kung saan. Kasama niya parati si Taro. Si taro naman ay isang estudyante na walang ibang ginawa kundi mambola at mangulit ng kaklase.

Biju: HI DAn?!!! :)) Pa kopya ng Assignment! (megaphone??? d nga... -_-")

Si Dan ay isang matipunong lalake at napaka talino. Hindi mo akalain na para na siyang prinsipe kung umasta. At hindi naman maipagkakaila na may gusto sa kanya halos lahat ng babae sa silid, maliban ke Sakura at Haruma.

Hanon: Biju, Tigilan mo na ang bispren ko. Gumawa ka ng sarili mong assignment!

Ito namn si Hanon ang bestfriend ni Dan, at napaka kulit. Kung ano ano nalang ang pinag gagawa.
Hanon: (pabulong) May utang ka pa sa akin Dan pwede mo nang hindi bayaran, pahiram na lang ng assignment mo. (sabay hablot ng notebook ni dan)

Dan: Ha...T_T

Gwapo nga't matalino si dan, masyado naman ding mabait.

Parating na si Kuride, isang mistiso kambing na walang ibang inatupag kundi ang sariling mukha, at lumakad na pakembot2. (partida, lalake 'to!o_O)

malayo pa lang ay nag si tahimik na ang mga tao sa silid. Mukhang natatakot ke kuride. Nang nakaupo na siya sa kanyang upuan nag sipag tawanan ang lahat.
Kuride: anong problema mo Biju?
Biju: HAH! anong problema mo Kuride?!
Kuride: bat niyo ako pinag tatawanan?
Biju: hay nakoh, feeler ka masyado. Bat ka naman namin pagtatawanan? hindi ka naman CLOWN!? maupo ka na lamang jan at manahimik. Cooperation!

sa may bandang gilid ng silid nakupong mag isa si Sakura. Ewan, kasi siguro hindi pa dumating si Inuoe, ang matalik niyang kaibigan. Tahimik lamang yang dalawa ngunit Ang lakas ng Impact! Si Inuoe (anu ba dapat na spelling HANEY!), ay anak ng isang martial arts master. Na namumuno sa ika 11th tribe ng mga yakuza sa japan. Ngunit hindi lamang halata ke Inuoe, dahil babae siya. Si Sakura naman ay ipinangalan mula sa cherry blossom.

may grupo nmn ng mga babae sa may bandang harap ng silid na nag kukwentuhan, as usual, para silang SPBP. Pero iba lang pangalan nila, Si Maru, Ruru, nina, Kota and Haruma.

Introduction pa lamang yan.
May karugtong pa.


--ABANGAN.